Crowd control measures kapag may hostage taking kailangan pang pagbutihin – PNP
Aminado ang Philippine National Police (PNP) na kailangan pang mas pagbutihin ang pagpapatupad ng crowd control measures kapag may insidente ng hostage taking.
Pahayag ito ng PNP matapos ang 10 oras na hostage crisis sa V-Mall sa Greenhills, San Juan kahapon.
Ayon kay PNP Chief Archie Gamboa, mahalagang maipatupad ng maayos ang crowd control para maiwasan ang pagpo-post sa social media at pag-Facebook live ng netizens.
Marami aniyang natutunan ang mga otoridad sa nangyari kahapon.
Partikular na nais matutukan ni Gamboa ang pagpapatupad ng police line.
Sa kabila nito ay kuntento si Gamboa sa naging pagtugon ng NCRPO sa insidente na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.