Sundalo, 2 terorista patay sa bakbakan sa Maguindanao

Isang sundalo at dalawang miyembro ng grupong Dawlah Islamiyah ang nasawi sa bakbakan na naganap sa Shariff Aguak sa Maguindanao.

Nangyari ang bakbakan sa Barangay Satan.

Ayon kay Col. Jose Narciso, commander ng 601st Unifier Brigade ng Philippine Army, hindi pa nakikilala ang dalawang nasawing rebelde na pawang tagasunod ni Dawlah Islamiyah leader Salahuddin Hassan.

Mayroon ding isang sundalo na nasugatan sa naturang bakbakan.

Nakuha naman sa lugar ang isang improvised explosive device, sniper rifle, at M14 rifle.

Read more...