Global death toll ng COVID-19 mahigit 3,100 na

By Dona Dominguez-Cargullo March 03, 2020 - 08:45 AM

Umakyat na sa 3,118 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa China, nakapagtala ng 31 na panibagong bilang ng mga nasawi sa nakalipas na magdamag kaya umakyat na sa 2,943 ang bilang ng nasawi.

May naitala namang 175 pa na nasawi sa iba pang bansa at teritoryo.

Iran – 66 (12 new)
Italy – 52 (11 new)
South Korea – 28 (7 new)
Diamond Princess – 7
Japan – 6
USA – 6 (5 new)
France – 3 (1 new)
Hong Kong – 2
San Marino – 1
Thailand – 1
Australia – 1
Taiwan – 1
PH -1

Sa kabuuan sumampa na sa mahigit 90,000 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo. Mahigit 80,000 dito ay sa China.

Ang South Korea ay mayroong 4,335 na kaso at pumapangalawa ito sa China.

Ang Italy naman ay mayroon nang 2,036 na kaso, habang ang Iran ay mayroong 1,501 na kaso.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, global death toll, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, global death toll, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.