Lisensya ng driver ng truck na ilang beses tumakas sa MMDA pinababawi sa LTO
Pinababawi ng MMDA ang lisensya ng truck driver na nag-viral sa social media matapos ilang beses na takasan ang humarang na enforcer dahil sa paglabag niya sa truck ban.
Noong February 28, 2020, tatlong beses na pinara ng mga tauhan ng MMDA ang truck na may plate number na NBK 4156 at nang masukol sa bahagi ng EDSA nangatwiran ang driver na si Ronald Auro na sira ang clutch ng sasakyan kaya hindi niya ito agad napahinto.
Pero habang ipinoproseso ang pag-isyu ng ticket sa kaniya, muling inarangkada ng driver ang truck.
Nahinto na lamang ang truck nang sumampa bumangga ito sa gilid ng EDSA-Aurora underpass.
Isang enforcer pa ng MMDA ang muntik na makaladlad ng truck.
Sa liham ni MMDA General Manager Jojo Garcia kay LTO Assistant Sec. Edgar Galvante, hiniling nitong kanselahin na ang lisensya ni Auro.
Kita naman kasi umano sa video na viral na sa social media na dahil sa ginawa ni Auro ay maraming mga motorista at maging MMDA enforcers ang nalagay sa peligro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.