MMDA pinatatanggalan na ng lisensya ang nasa 2,500 na PUV drivers dahil sa maraming paglabag

By Dona Dominguez-Cargullo March 03, 2020 - 08:04 AM

Inirekomenda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Office (LTO) na bawiin ang lisensya ng nasa 2,500 na driver ng mga pampublikong sasakyan na mayroong multiple apprehensions.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang mga driver na mayroong maraming traffic violations ay hindi na dapat napapayagang magmaneho dahil nalalagay sa alanganin ang kanilang mga pasahero.

Karamihan sa 2,500 ay pawang city bus drivers.

Ayon sa MMDA, nakapagtala sila ng 12,000 traffic violators noon lamang Pebrero, 2,500 dito ay paglabag ng PUV drivers.

Sa nasabing bilang, kalahati lamang ang tumugon sa show cause orders na inisyu ng LTO.

TAGS: Inquirer News, lto, mmda, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PUV, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, lto, mmda, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PUV, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.