2 Pinay, 4 na Chinese hinarang sa Pasay City; sinasakyang SUV bumangga sa concrete barrier

Hawak ng Pasay City police ang dalawang Pinay at apat na Chinese nationals matapos maaksidente ang sinasakyan nilang SUV sa concrete barrier sa bahagi ng Vicente Sotto Street.

Nagtangka pang tumakas ang mga dayuhan nang dumating ang mga otoridad.

Nang maharang ay natuklasang amoy-alak ang mga sakay ng SUV.

Wala namang umaamin sa 4 na Chinese at 2 Pinay kung sino sa kanila ang nagmamaneho ng SUV nang mangyari ang aksidente.

Dadalhin sa Pasay City police ang 6 para sumailalim sa karagdagang imbestigasyon.

Read more...