Maraming barangay sa Maynila, Makati, Mandaluyong at San Juan pitong oras na mawawalan ng suplay ng tubig
Mayroong pitong oras na water service interruption sa maraming barangay sa apat na lungsod sa Metro Manila.
Ito ay dahil sa Preventive maintenance activity na isasagawa ng Manila Water sa kanilang San Juan Pumping Station.
Sisimulan ang service interruption alas 11:00 ng gabi mamaya (March 3) at tatagal hanggang alas 6:00 ng umaga bukas (March 4).
Narito ang mga apektadong barangay:
SAN ANDRES, MAYNILA
– Barangays 763 to 820
STA. ANA, MAYNILA
– Barangay 866
– Barangay 869
– Barangays 873 to 905
MAKATI:
– Poblacion
– Valenzuela
– Olympia
– Carmona
– Kasilawan
– Tejeros
– Singkamas
MANDALUYONG
– Bagong Silang
– Burol
– Daang Bakal
– Hagdang Bato Itaas
– Hagdang Bato Libis
– Harapin Ang Bukas
– Hulo
– Mabini-JP Rizal
– Namayan
– New Zaniga
– Old Zaniga
– Pag-Asa
– Plainview
– Poblacion
– San Jose
– Vergara
SAN JUAN
– Addition Hills
– Batis
– Kabayanan
– Maytunas
– Santa Lucia
– Tibagan
Pinayuhan ang mga apektadong residente na mag-ipon ng sapat na tubig na kanilang kailangan sa oras ng interruption.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.