Naisailalim na sa paraffin test at drug test ang suspek na si Archie Paray sa Eastern Police District Laboratory.
Isinailalim naman sa ballistic test ang kaniyang baril.
Matapos ito ay ibinalik siya sa San Juan Police station habang inihahanda ang kasong grave coercion,
grave threat, illegal possession of firearms and explosives at frustrated murder.
Tumagal ng 10 oras ang pangho-hostage ng suspek sa nasa 60 hanggang 70 katao sa loob ng V-Mall.
Ayon kay San Juan City Police chief Jaime Santos, sa ginawa nilang beripikasyon, walang rekord sa PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies si Paray.
Kasama ring iimbestigahan ng mga otoridad ang security agency ng suspek.