8 pang mga bansa nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo March 03, 2020 - 05:27 AM

Walo pang bansa sa mundo ang nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19.

Kabilang sa mga nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19 sa magdamag ang Saudi Arabia at Portugal.

Sa Portugal, naitala ang unang dalawang kaso sa bayan ng Porto. Isang 60 anyos na lalaki na nagbakasyon sa Italy at isang 33 anyos na lalaki na nagbakasyon sa Spain.

Sa Saudi Arabia, naitala ang unang kaso ng sakit matapos magpositibo ang isang pasyente na galing ng Iran.

May kaso na rin ng COVID-19 sa Tunisia. Ito ay matapos magpositibo sa sakit ang isang 40 anyos na Tunisian man na may history ng pagbiyahe sa Italy.

Ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19 ay ang Scotland, Andorra, Jordan, Senegal
at Latvia.

Sa ngayon ay 76 na mga bansa at teritoryo na ang apektado ng COVID-19.

 

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.