outbrain

Matteo Guidicelli, pinangalanan bilang bagong NYC Youth Ambassador

By Angellic Jordan March 03, 2020 - 12:36 AM

Pinangalanan ang aktor at Philippine Army reservist na si Matteo Guidicelli bilang bagong National Youth Commission (NYC) Youth Ambassador.

Sa Facebook, sinabi ng NYC na ito ay base sa Resolution No. 26, series of 2019, na kumikilala sa kontribusyon ng aktor sa youth development.

“Mr. Guidicelli’s patriotism and nationalism, initially manifested by being a military reservist, is expected to serve as inspiration and encouragement for the Filipino youth in the fulfillment of their role in nation-building,” ayon pa sa NYC.

Umaasa naman ang NYC sa pagpapaigting ng youth empowerment ng kanilang youth ambassadors na magsisilbing modelo ng good citizenship.

Si Guidicelli ay may ranggong second lieutenant sa Philippine Army.

Nakuha ito ng aktor matapos makumpleto ang 30 araw na Scout Ranger Orientation Course noong June 2019.

TAGS: lifestyle, Matteo Guidicelli, NYC, NYC Youth Ambassador, lifestyle, Matteo Guidicelli, NYC, NYC Youth Ambassador

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.