outbrain

Anne Curtis, nanganak na sa Australia

By Angellic Jordan March 02, 2020 - 11:10 PM

Isa nang ganap na mommy at daddy ang mag-asawang sina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Ito ay kasunod ng pagsilang ni Anne sa kanilang unang anak ni Erwan sa Australia.

Sa Instagram, nag-post ang Viva Artist Agency ng pagbati sa panganganak ng aktres.

Isang baby girl ang isinilang ni Anne.

Bumuhos naman ang pagbati kina Anne at Erwan mula sa kanilang pamilya, kaanak at mga tagahanga.

Matatandaang November 2019 nang ianunsiyo ng dalawa ang pagbubuntis ni Anne.

TAGS: Anne Curtis, baby girl, Erwan Heussaff, Viva Artist Agency, Anne Curtis, baby girl, Erwan Heussaff, Viva Artist Agency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.