Ilang opisyal ng security agency sa isang mall sa San Juan, nag-sorry at nagbitiw sa pwesto

By Angellic Jordan March 02, 2020 - 07:30 PM

Kuha ni Jong Manlapaz

Humingi ng paumanhin ang amin na opisyal ng Safeguard Armor Security Corporation (SASCOR) sa hostage-taker na si Archie Paray sa Virra Mall sa Greenhills, San Juan City.

Maliban dito, bumaba rin sa pwesto ang mga sumusunod na opisyal:
– Fernando Solina, head ng Corporate Safety and Security ng mall
– Salvador Capadocia, Security Coordinator
– Henry Tuason, SASCOR security agency field officer
– Frederick Gravador, SASCOR Assistant Director
– Oscar Hernandez, SASCOR General Manager
– Villamor Sebastian, SASCOR Director for Operations

Sinunod ng anim na opisyal ang nais ni Paray at isa-isang naghayag ng paumanhin at pagbaba sa pwesto.

Sinabi pa ng mga ito na naipasa na nila ang kanilang resignation letter.

Ayon kay Hernandez, maaring sumama ang loob ni Paray sa ipinatupad na rotation sa kanilang hanay.

Maliban dito, inihayag din ng hostage-taker na gusto niyang pakainin ng P2,500 halaga ng pera ang dalawang security official ngunit pumayag naman na huwag na itong tuloy.

Si Paray ay dating security guard na natanggal sa trabaho na naging dahilan ng pagsasagawa ng hostage-taking sa nasabing mall.

TAGS: Archie Paray, Fernando Solina, Frederick Gravador, Henry Tuason, Oscar Hernandez, Salvador Capadocia, SASCOR, Villamor Sebastian, virra mall, Archie Paray, Fernando Solina, Frederick Gravador, Henry Tuason, Oscar Hernandez, Salvador Capadocia, SASCOR, Villamor Sebastian, virra mall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.