Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Makati City

Sumiklab ang sunog sa isang residente area sa Makati City, Lunes ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), naganap ang sunog sa bahagi ng Barangay La Paz bandang 3:36 ng hapon.

Umabot sa unang alarma ang sunog.

Sa ngayon, inaalam pa ang sanhi at kung magkano ang halaga ng pinsala bunsod ng insidente.

Read more...