Isang sekyu, sugatan sa hostage taking sa isang Greenhills mall

Sugatan ang isang security guard sa nagaganap na hostage taking sa Greenhills, San Juan.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng pamunuan ng Greenhills Center na dinala na ang biktima sa ospital para mabigyan ng lunas.

Ang suspek ay isang dating security guard ng Safeguard Armor Security Corporation (SASCOR).

Sinabi pa ng pamunuan ng Greenhills Center na kabilang sa hostage taking ang ilan sa kanilang mga empleyado.

Sa ngayon, prayoridad anila na matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado at publiko.

Patuloy din anila ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad ukol sa insidente.

Umaasa naman ang pamunuan ng shopping center ng kooperasyon sa publiko sa pamamagitan ng hindi pagkakalat ng mga hindi kumpirmadong impormasyon ukol sa insidente.

Read more...