WATCH: Rigodon sa Kamara, ipinatupad

By Erwin Aguilon March 02, 2020 - 03:25 PM

Kasunod ng mga balitang kudeta sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, nagpatupad ng rigodon sa mga matataas na posisyon dito.

Unang inalis sa puwesto si Davao City Rep. Isidro Ungab na inalis bilang chairman ng House Committee on Appropriations.

Ipinalit naman sa puwesto ni Ungab si House Committee on Games and Amusements Chair Eric Yap.

Si Abra Rep. Joseph Bernos ang inilagay sa naiwang puwesto ni Yap bilang chairman ng Committee on Games and Amusements.

Inalis din sa puwesto si Mindoro Oriental Rep. Doy Leachon bilang head contingent sa House of Representatives Electoral Tribunal.

Ipinalit naman sa nasabing pwesto si Kabayan Rep. Ron Salo.

Nauna nang hinamon ni Leachon na panig kay Speaker-in-waiting Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang kampo ni Cayetano na pangalanan ang 20 kongresista na inalok umano ng pwesto at budget ni Velasco.

Si Ungab naman ang itinuturong nag-report kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa DBM ng bilyong pisong parking funds sa 2020 para sa mga mambabatas na malapit naman kay Cayetano dahilan kaya hinarang ang proyekto ng mga distrito.

Narito ang buong ulat ni Erwin Aguilon:

TAGS: 18th congress, House Committee on Appropriations, Rep. Isidro Ungab, Rep. Joseph Bernos, 18th congress, House Committee on Appropriations, Rep. Isidro Ungab, Rep. Joseph Bernos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.