Bilang ng mga PUI dahil sa COVID-19, nasa 43 na lang – DOH

Photo grab from PCOO Facebook live video

Nasa 43 na lamang ang ‘patients under investigation’ o PUI dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa ‘Laging Handa’ press briefing, sinabi ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na sa naturang bilang, 14 na mula sa MV Diamond Princess cruise ship ang naka-quarantine sa New Clark City at nagpapakita ng sintomas ng respiratory illness.

Ayon kay Vergeire, 592 na pasyente na ang na-discharge at gumaling na.

Bagamat bumaba na ang bilang ng mga PUI, sinabi ni Vergeire na hindi pa rin magpapakakampante ang pamahalaan lalot itinaas pa ng World Health Organization (WHO) sa highest level ang COVID-19.

Pagsusumikapan pa aniya ng pamahalaan na paigtingin ang pag-contain sa virus para maiwasan ang local transmission.

“The decrease in the number of patients under investigation being admitted is welcome news to all. This may be attributed to our strengthened surveillance, early travel restrictions and enhanced laboratory processes. But this is not enough reason to let our guards down, the DOH will continuously assess the situation and improve its surveillance protocols based on evidence and further developments, our Secretary explained,” ani Vergeire.

Sinabi naman ni Foreign Affairs Assistant Secretary Ed Menez na aabot sa 86 na overseas Filipino workers (OFWs) sa buong mundo ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa naturang bilang, 80 ang nasa japan, dalawa sa United Arab Emirates (UAE), dalawa sa Hong Kong at dalawa sa
Singapore.

Read more...