BREAKING: Lockdown ipinatupad sa Virra Mall sa San Juan dahil sa insidente ng pamamaril

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz March 02, 2020 - 12:25 PM

(UPDATE) Nagkaroon ng komosyon sa bahagi ng Virra Mall sa Greenhills, San Juan.

Rumesponde ang mga otoridad sa ulat na mayroong mga armado sa loob ng V-Mall.

Sa tweet naman ng mga netizens, nakarinig sila ng putok ng baril sa lugar.

Kinurdonan na ang palibot ng mall.

Sa inisyal na ulat ng mga pulis, posibleng mayroong hawak na hostage ang suspek, o mga suspek.

Kinumpirma naman ni San Juan City Mayor Francis Zamora na base sa inisyal na ulat ng San Juan Police, isang security guard na dating nagtatrabaho sa mall ang armado ng armas at granada.

Mayroon umano itong hawak na hostages na aabot sa 30 katao.

Kinumpirma din ni Zamora na mayroon nang isang nasugatan at dinala na sa Cardinal Santos Medical Center.

Ang suspek ay isang AWOL na security guard na sinibak sa serbisyo.

TAGS: greenhills, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, san Juan, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, virra mall, greenhills, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, san Juan, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, virra mall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.