DPWH District Engineer nakaligtas sa pananambang sa Davao del Sur

Nakaligtas sa pananambang ang district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Davao Del Sur.

Nangyari ang pananambang kay Engineer Nicomedes Parilla, Jr. habang sakay ito ng kaniyang pickup at patungo dapat sa kaniyang opisina alas 8:00 ng umaga ng lunes, March 2.

Dalawang hindi nakilalang lalaki ang namaril sa biktima.

Ayon Lt. Colonel Vici Anthony Tababa, officer-in-charge ng Digos City police, ilang ulit pinagbabaril ang passenger side ng pickup kung saan nakaupo si Parilla.

Agad naisugod sa ospital si Parilla at ginagamot sa tinamong tama ng bala ng baril.

Sugatan din ang driver ni Parilla matapos tamaan ng bala sa kaliwang balikat.

Read more...