1 sa 2 Pinoy sa Singapore na nag-positibo sa COVID-19 naka-recover na

By Dona Dominguez-Cargullo March 02, 2020 - 10:58 AM

Naka-recover na ang isa sa dalawang Pinoy sa Singapore na nag-positibo sa COVID-19.

Ayon kay Philippine Consul General in Singapore Adrian Bernie Candolada, nakalabas na rin ng ospital ang naturang Pinoy na permanent resident sa Singapore.

Ang isa pang Filipina domestic worker na nagpositibo sa virus ay nasa isolation pa rin sa Ng Teng Fong General Hospital.

Nakuha ng Pinay OFW ang kaniyang sakit sa employer niyang 61 anyos na Singaporean.

Sinabi ni Candolada na ang pamahalaan ng Singapore ang umako sa gastos ng Pinay na pasyente.

Mayroong 200,000 na Pinoy sa Singapore base sa pinakahuling datos ng konsulada.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, filipino from singapore, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, singapore, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, filipino from singapore, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, singapore, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.