Resulta ng imbestigasyon ng PNP sa ‘ninja cops’ isusumite na kay Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo March 02, 2020 - 09:50 AM

Isusumite na ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng isinagawang imbestigasyon sa mga pulis na hinihinalang sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, sa March 7 target ng PNP na maisumite ang findings kay Pangulong Duterte.

Ang national adjudication board ang nanguna sa imbestigasyon sa pamumuno ni deputy chief for administration Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan.

Aabot sa 357 ang na pulis ang nasa narcolist ng pangulo.

Sa nasabing bilang, 15 na ang nagpasya na mag-early retirement, 43 ang idineklara ng AWOL, at mayroong isang nasawi na sa shooting incident.

Dahil dito, 298 na pulis na lang na aktibo sa serbisyo ang sumailalim sa imbestigasyon ng national adjudication board kasama si Lt. Col. Jovie Espenido.

TAGS: Inquirer News, narcolist, ninja cops, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, Inquirer News, narcolist, ninja cops, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.