“Online appointments only” sa mga passport applicant ipinatutupad na sa embahada ng Pilipinas sa Japan
Ipinatutupad na ang “online appointments only” para sa mga aplikante ng pasaporte sa Philippine Embassy sa Japan.
Ito ay dahil pa rin sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19 sa Japan na mayroon nang 256 na kaso at 6 na ang nasawi.
Maliban pa ito sa 705 na kaso na naitala sa MV Diamond Princess at 7 ang nasawi.
Sa abiso ng embahada ng Pilipinas sa Japan, simula ngayong araw, March 2 epektibo na ang “online appointments only” para sa mga passport applicants.
Para sa mga magre-renew o kukuha ng passport, kailangang magpa-appointment sa https://tokyo.philembassy.net
Mananatili ang naturang direktiba hangga’t hindi naglalabas ng panibagong abiso ang embahada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.