WALANGPASOK: Class suspension ngayong araw March 2, dahil sa lindol sa Leyte
Suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa ilang bayan sa Leyte matapos ang tumamang magnitude 5.5 na lindol.
Nag-anunsyo ng class suspension ang mga lokal na pamahalaan dahil sa inaasahang pagkakaroon ng aftershocks bunsod ng malakas na pagyanig.
Kailangan ding magsagawa ng structural assessment sa mga gusali, kabilang ang mga paaralan.
Narito ang mga lugar na nagsuspinde ng klase:
ALL LEVELS:
Capoocan, Leyte
Carigara, Leyte
Ang magnitude 5.5 na lindol ay tumama sa Leyte, Leyte kaninang 5:19 ng umaga at naramdaman ito sa iba pang bahagi ng Eastern at Central Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.