Thailand at Australia nakapagtala na ng pasyenteng nasawi sa COVID-19

Kapwa nakapagtala na ng nasawing pasyente ang Australia at Thailand.

Sa Perth, Australia, isang 78 anyos na lalaki ang nasawi matapos tamaan ng sakit.

Kabilang sya sa 164 Australians na inilikas mula sa Diamond Princess sa Japan.

Ang kaniyang misis ay nagpositibo rin sa COVID-19 pero nasa maayos na itong kondisyon.

Sa Thailand, isa na rin nag naitalang nasawi.

Mayroong 42 kaso ng COVID-19 sa Thailand.

Read more...