Mga kumpanya ng langis may mahigit P40 na rollback sa LPG

By Dona Dominguez-Cargullo March 02, 2020 - 06:24 AM

Epektibo na ngayong umaga ang rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ng mga kumpanya ng langis.

Unang nagpatupad ng rollback na P3.90 sa kada kilo ng LPG ang mga kumpanyang Petron at Phoenix alas 12:01 ng madaling araw kanina (March 2).

Katumbas ito ng P42.90 na rollback sa bawalt 11-kilogram na tangke ng LPG.

Mayroon ding rollback na P2.20 sa kada litro ng autoLPG ang Petron at Phoenix.

Samantala, ang kumpanyang Solane naman, may rollback na P3.49 sa presyo ng kanilang LPG mula alas 6:00 ng umaga.

Katumbas ito ng P38.39 na bawas sa kada 11-kilogram na tangke ng LPG.

TAGS: BUsiness, Inquirer News, LPG Price, Petron, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Phoenix, Radyo Inquirer, rollback, Solane, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, Inquirer News, LPG Price, Petron, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Phoenix, Radyo Inquirer, rollback, Solane, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.