Pagdalo sa anim na araw na spritual retreat kinansela ni Pope Francis

Hindi pa rin maayos ang pakiramdam ni Pope Francis dahil sa ubo at sipon.

Dahil dito, kinansela na ng Santo Papa ang nakatakda niya sanang pagdalo sa anim na araw na spiritual retreat sa Roma.

Nagawa pa rin naman ng Santo Papa na pangunahan ang tradisyunal na Angelus Prayer at doon niya inanunsyo na dahil sa kaniyang sakit ay hindi siya makadadalo sa retreat ngayong taon.

Noong February 26 pa, Ash Wednesday napansin na hindi maganda ang pakiramdam ni Pope Francis.

Panay kasi ang ubo nito habang pinamumunuan ang misa.

Sa pahayag ng Vatican, malakas ang Santo Papa sa kabila ng hindi magandang pakiramdam nito.

Read more...