1 patay, 5 sugatan makaraang mamaril ang isang dating sundalo sa Cavite; suspek nagbaril din sa sarili

By Dona Dominguez-Cargullo March 02, 2020 - 06:11 AM

Isa ang patay habang sugatan ang limang iba pa makaraang mamaril ang isang dating sundalo sa General Trias sa Cavite.

Nangyari ang pamamaril kahapon araw ng Linggo.

Gamit ang isang 38 revolver, binaril umano ng suspek na si Junny Palacio ang anim na biktima dahil sinisiraan umano siya ng mga ito.

Ayon sa General Trias police, dating tauhan ng Philippine Army si Palacio.

Agad nasawi ang isa sa mga biktima na si Murharma Bautista.

Sugatan din ang isang retiradong sundalo na si Albert Sorio at apat na iba pa kabilang ang dalawang pulis.

Nagawa namang masukol ng mga pulis ang suspek pero sa halip na sumuko ay nagbaril ito sa sarili na kaniyang agad ding ikinasawi.

TAGS: cavite, crime, General Trias, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, Radyo Inquirer, soldier, Tagalog breaking news, tagalog news website, cavite, crime, General Trias, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, Radyo Inquirer, soldier, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.