Extreme northern Luzon apektado pa rin ng Amihan – PAGASA

Apektado pa rin ng amihan ang extreme northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, makararanas ngayong araw ng maaliwalas na panahon na mayroon lamang isolated na mahihinang pag-ulan sa buong Luzon kasama ang Metro Manila.

Ang Visayas at Mindanao naman ay makararanas lamang ng bahagyang maulap na papawirin na may posibilidad ng isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.

Samantala, tanging sa Batanes lamang mayroong nakataas na gale warning ang PAGASA.

Sa mga susunod na araw Amihan pa rin ang iiral lalo na sa extreme Northern Luzon at magiging maaliwalas pa rin ang panahon.

Read more...