3 pang repatriated na Pinoy mula MV Diamond Princess nakitaan ng sintomas ng COVID-19

Umakyat na sa 13 ang bilang ng mga repatriated na Filipino mula sa MV Diamond Princess na m naka-quarantine sa New Clark City sa Capas, Tarlac ang nakitaan ng sintomas ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa Department of Health, mayroong tatlong bagong kaso ng Filipino na nakitaan ng sintomas na dinala sa ospital.

Noong Sabado (February 29) ay may naiulat na 7 na nakararanas ng sore throat at ubo na dinala sa ospital bukod sa naunang 3 kung kaya’t umabot na sa 13 ang naitalang bilang kasama ang 3 bagong kaso na naitala araw ng Linggo (March 1).

Samantala, nilinaw naman ng DOH na ang unang 10 Filipino na nagkitaan ng sintomas ay nag-negatibo sa COVID-19.

Sa ngayon hinihintay pa ang resulta ng 3.

Itinaas na ng World Health Organization sa maximum level ang global virus risk dahil sa COVID-19 matapos maitala ang 35 nasawi at 573 na bagong kaso sa China at 376 na bagong kaso sa South Korea.

Ayon naman sa Japan Health Ministry, umabot na sa 6 ang naitalang nasawi mula sa MV Diamond Princess matapos masawi ang isang lalaking pasahero na British national at isa pang 78 taong gulang na lalaking pasahero na inilikas sa barko ang nasawi sa isang ospital sa Perth.

Read more...