‘All systems go’ – Duterte

By Kathleen Betina Aenlle February 04, 2016 - 03:03 AM

 

Kuha ni Raffy Lerma

Buong pagmamalaking inanunsyo ni presidential aspirant at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na isa na siyang opisyal na kandidato sa paka-pangulo ngayong papalapit na halalan.

Ilang oras matapos ideklara ng Commission on Elections (COMELEC) ang

pagkakabasura ng mga kasong diskwalipikasyon laban sa kaniya, sinabi ni Duterte na handa na siyang makilahok sa mga presidential debates.

Matatandaang una nang nagpahayag ng pag-tanggi si Duterte na sumali sa mga debateng papasinayaan ng COMELEC dahil hindi naniniwala siyang hindi pa siya opisyal na kandidato noon.

Ngunit ngayong buo na ang desisyon ng poll body, buong kumpyansa na niyang sinasabi na pag-iigihan niya ang pangangampanya at maari na siyang tumanggap ngayon ng mga kontribusyon na makakatulong sa kaniya na isakatuparan ito.

Ngunit, nilinaw ni Duterte na mayroon siyang mga kondisyon, dahil ang mga tanging tatanggapin lang niya ay iyong mga lehitimo ang pinanggalingan at pinagkunan, pati na iyong mga walang anumang transaksyon sa pamahalaan.

Ibinasura ng COMELEC ang mga pinagsama-samang kasong diskwalipikasyon laban kay Duterte na inihain ng mamamahayag na si Ruben Castor, pati na ng kina UP student council leader JP delas Nieves at ng presidential aspirants na sina Rizalito David at Ely Pamatong, dahil sa lack of merit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.