VFA ng Pilipinas sa Japan, Australia nanganganib na maibasura rin gaya sa US

By Chona Yu March 01, 2020 - 03:22 PM

Nagbabala ang Palasyo ng Malakanyang na maaring sa basurahan din pulutin ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas sa Japan at Australia.

Ito ay kung makikiaalam ang dalawang bansa sa soberenya ng Pilipinas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na matibay ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat na pakialaman ang soberenya ng bansa.

Pero sa ngayon, sinabi ni Panelo na wala pa namang nakikitang rason si Pangulong Duterte para ibasura ang VFA ng Pilipinas sa Japan at Australia.

Maliban na lamang, ayon kay Panelo, kung mag-expire na ang kasunduan at may makitang rason para sirain pa.

Ibinasura na ni Pangulong Duterte ang VFA ng Pilipinas sa Amerika dahil sa pakikialam sa panloob na usapin ng bansa gaya ng pagkakakulong ni Senador Leila de Lima na nakasuhan dahil sa ilegal na droga.

Una nang sinabi ng kampo ni de Lima na nakipag-ugnayan na rin sa kanya ang Australia para humingi ng insights at experience sa pagiging biktima niya umano ng persecution sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

TAGS: Sec. Salvador Panelo, VFA between Philippines and Australia, VFA between Philippines and Japan, Sec. Salvador Panelo, VFA between Philippines and Australia, VFA between Philippines and Japan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.