DFA consular office sa La Union, sarado sa Lunes (March 2)

Sarado ang consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa La Union sa Lunes, March 2.

Sa abiso, sinabi ng kagawaran na ito ay kasunod ng selebrasyon ng 170th Founding Anniversary ng probinsya ng La Union.

Ayon sa DFA, ang mga aplikante na mayroong kumpirmadong appointment sa nasabing petsa ay maaaring ma-accommodate hanggang April 3, 2020 tuwing regular office hours maliban lamang tuwing Sabado.

Maaari ring magpadala ng e-mail ang mga aplikante na mayroong emergency concerns sa oca.concerns@dfa.gov.ph o launion.rco@dfa.gov.ph.

Magbabalik naman sa normal ang operasyon ng consular office sa Martes, March 3.

Read more...