Publiko, pinakakalma ng Palasyo ukol sa paglalagay sa COVID-19 sa ‘very high level’

By Chona Yu March 01, 2020 - 02:03 PM

Pinakakalma ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko sa kabila ng paglalagay ng World Health Organization (WHO) sa ‘very high level’ ang Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nakalatag na ang lahat ng protocols para masiguro na maayos na natutugunan ng pamahalaan ang COVID-19.

Sinabi pa ni Panelo na regular na nagpupulong ang Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease para i-assess ang epekto ng COVID-19 sa bansa.

Katunayan, sinabi ni Panelo na bilib mismo ang WHO sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19.

Wala aniyang dapat na alalahanin ang publiko dahil maayos ang pag0contain ng Pilipinas sa COVID-19.

“Yung Inter-Agency regular nagmi-meet. Depende sa sasabihin ng World Health Organization (WHO) kung ano ang findings nila, gumagalaw sila sa kung anuman ang karapat-dapat. At ready naman tayo kasi ang mga protocol natin ay well-placed. Sabi ng WHO maganda daw ang pag-contain natin sa virus, so, dapat walang alalahanin ang ating mga kababayan,” ayon kay Panelo.

TAGS: COVID-19, Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease, Sec. Salvador Panelo, WHO, COVID-19, Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease, Sec. Salvador Panelo, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.