Pitong mangingisda sa Cebu ang napaulat na nawawala mula Huwebes ng gabi.
Sa ulat ng Cebu Daily News, umalis ng Isla de Gigantes ang sinasakyang pump boat ng mga mangingisda at pinangangambahang tumaob sa pagitan ng bayan ng Madridejos sa Bantayan Island at Panay sa western Visayas.
Inabisuhan na ng Coast Guard sa Central Visayas ang mga barkong naglalayag sa lugar na tumulong sa paghahanap ng mga nawawalang mangigisda.
Samantala, mayroon ng pitong barko sa Visayas ang hindi na nagtuloy sa kanilang biyahe matapos ang insidente ng pagtaob ng MB Nirvana sa Ormoc City na ikinasawi na ng aabot sa 38 katao.
Kabilang dito ang Ocean Jet 88 na biyaheng Cebu to Tagbilaran; MV Aznar 2 na biyaheng Toledo to San Carlos; MV City of Bacolod na biyaheng Toledo to San Carlos; MC St. Braquel, biyaheng Cebu to Tagbilaran; St. Judiel of Supercut, biyaheng Cebu to Ormoc; MV Super Shuttle 24, biyaheng Hagnaya to Sta. Fe at MV island Express V na bihaye ring Hanaya to Sta. Fe. / Cebu Daily News, Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.