Nakapagtala ng 376 na bagong kaso kung saan umabot na sa 3,526 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus.
Ang South Korea na ang bansang nakapagtala ng may pinakamalaking kaso ng tinamaan ng COVID-19 sa labas ng China.
Ayon sa Korea Centers for Disease Control and Prevention, aabot sa 90 porsyento ng bagong kaso ay mula sa Daegu, ang sentro ng outbreak ng virus sa bansa.
Ang Daegu City ang ikaapat sa pinakamalaking lungsod sa South Korea na mayroong 2.5 milyong populasyon.
Pinayuhan naman ng mga otoridad ang publiko na mag-ingat at huwag nang lumabas ng bahay ang mga may sintomas ng respiratory illness.
MOST READ
LATEST STORIES