29 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Taal sa magdamag

By Angellic Jordan March 01, 2020 - 01:39 PM

Nakapagtala ng 29 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa Taal volcano bulletin bandang 8:00 ng umaga, sinabi ng Phivolcs na patuloy pa rin ang pagbuga ng steam-laden plumes ng bulkan na may taas na 50 metro.

Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal.

Ibig sabihin, ayon sa Phivolcs, asahan pa rin ang posibleng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at expulsions ng volcanic gas.

Maaari anilang makaapekto ito sa Taal Volcano Island.

Dahil dito, patuloy ang rekomendasyon ng Phivolcs na ipagbawal ang pagpasok sa Permanent Danger Zone ng bulkan.

TAGS: Alert Level 2, volcanic earthquakes in Taal volcano, Alert Level 2, volcanic earthquakes in Taal volcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.