4 pulis patay, 31 sugatan matapos mahulog ang sinasakyang trak sa Iloilo

By Angellic Jordan February 29, 2020 - 08:39 PM

Photo grab from Google Maps

Patay ang apat na pulis habang sugatan ang 31 iba pa sa naganap na aksidente sa Iloilo, Sabado ng hapon.

Batay sa ulat, nahulog sa bangin ang sinasakyang trak ng mga biktima na miyembro ng 601st Company ng Regional Mobile Force Battalion ng PNP Region 6 sa Barangay Ginomoy sa bayan ng Alimodian bandang 1:00 ng hapon.

Pabalik na sana ang mga biktima sa kanilang headquarters nang mangyari ang aksidente.

Hindi na umabot nang buhay ang apat nang isugod sa ospital.

Nananatili naman ang mga sugatang biktima sa Iloilo Mission Hospital.

TAGS: Alimodian, Iloilo, nahulog sa bangin, Regional Mobile Force Battalion ng PNP Region 6, Alimodian, Iloilo, nahulog sa bangin, Regional Mobile Force Battalion ng PNP Region 6

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.