Cherry Blossom Festivals sa Japan, kinansela dahil sa COVID-19
Kinansela ang Cherry Blossom Festivals sa Japan ngayong 2020.
Taun-taong pinupuntahan ng mga turista mula sa buong mundo ang tradisyunal na spring celebration sa Tokyo at Osaka.
Sa anunsiyo ng Japan Mint sa Osaka, ito ay dahil sa patuloy na banta sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Bahagi ito ng naging hakbang ng mga otoridad para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa bansa.
Humingi naman ng paumanhin at pang-unawa ang Japan Mint sa lahat ng may plano sanang masilayan ang white at pink flowers sa lugar.
Ayon naman sa mga organizer ng Nakameguro Cherry Blossom Festival sa Tokyo, maaari pa rin namang ma-enjoy ang cherry blossom trees sa mga pampublikong kalsada.
Sa huling tala, umabot na sa mahigit 230 ang kaso ng COVID-19 sa Japan kung saan lima na ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.