Sarangani, Davao Occidental niyanig ng lindol

Yumanig ang magnitude 3.2 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental Sabado ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 104 kilometers Southwest ng Sarangani dakong 1:32 ng hapon.

33 kilometers ang lalim at tectonic ang origin ng lindol.

Ayon sa Phivolcs, wala namang napaulat na nasira sa mga-ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...