Bilang ng PUI na nananatili sa ospital, nasa 33 – DOH

Photo grab from DOH website

Umabot na sa 627 ang bilang ng ‘patients under investigation’ (PUI) na posibleng apektado ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH) bandang 10:00 ng umaga, February 29, nasa 33 PUIs ang nananatili pa sa ospital.

591 PUIs naman ang nakalabas pa ng ospital ngunit patuloy pa ring binabantayan ng DOH.

Sa nasabing bilang, pinakamarami pa ring naitala sa National Capital Region (NCR) na may 19 PUIs admitted at 183 PUIs discharged.

Sinabi ng DOH na nananatili sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Read more...