Antas ng tubig sa Angat Dam, nabawasan sa magdamag

By Angellic Jordan February 29, 2020 - 12:30 PM

Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division bandang 6:00 ng umaga, nasa 202.29 meters ang lebel ng tubig sa nasabing dam.

Mas mababa ito kumpara sa 202.38 meters na naitala noong Biyernes, February 28.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Ipo Dam na ngayon ay nasa 100.06 meters at ang La Mesa Dam na nasa 77.40 meters.

Tumaas din ang tubig sa Ambuklao, San Roque, at Caliraya Dams.

Nabawasan naman ang tubig sa Binga, Pantabangan, at Magat Dams.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.