2 Pinoy na positibo sa COVID-19 sa Hong Kong nananatili sa ospital

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2020 - 08:20 PM

Nananatili sa ospital ang dalawang Filipino na nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong.

Pero ayon sa Philippine Consular Office sa Hong Kong, kapwa wala nang sintomas ang dalawa.

Ang isa dalawang pasyente ay inaasahang makalalabas na ng ospital bukas.

Ito ay kung magnenegatibo muli ang final test na ginawa sa kaniya.

Samantala, ang isa pang Pinay na isinailalim sa quarantine ay nakalabas na ng pagamutan.

Malusog at wala ring sintomas ang naturang Pinay at nakabalik na sa kaniyang trabaho.

Sa ngayon maliban sa dalawang pasyente na positibo sa COVID-19 ay wala nang iba pang Filipino na naka-quarantine sa Hong Kong.

Patuloy ang gagawing pag-monitor ng konsulada sa kondisyon ng dalawa.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Hong Kong, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Hong Kong, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.