Pope Francis masama pa rin ang pakiramdam; official audiences ngayong araw kanselado pa rin
Muling kinansela ang official audiences ni Pope Francis ngayong araw.
Ito na ang ikalawang araw na hindi maganda ang pakiramdam ng 83 anyos na Santo Papa.
Natuloy naman ang pagdaraos ng morning mass ng Santo Papa pero kinansela na ang mga official audience niya.
Hindi naman binanggit ng Vatican kung anong eksaktong sakit ng Santo Papa.
Pero noong misa para sa Ash Wednesday ay napansin ng marami na inuubo at sinisipon si Pope Francis.
Noong Huwebes ay kinansela na rin niya ang dapat sana ay pagdaraos ng Misa kasama ang mga pari sa Roma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.