Batangas nakapagtala na ng unang kaso ng ASF
Nakapagtala na ng unang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Batangas.
Ayon sa Provincial Veterinary Office, may kaso na ASF sa Barangay Molinete sa bayan ng Laurel.
Palaisipan naman sa lokal na pamahalaan kung paanong nakapasok ang sakit sa bayan dahil ilang linggo ding isinailalim sa lockdown ang Laurel bunsod ng pagputok ng Bulkang Taal.
Iniimbestigahan na ngayon kung ano ang pinagmulan ng kaso ng ASF.
Agad namang ipatutupad ang protocol ng Department of Agriculture sa apektadong barangay at isasailalim sa culling ang mga baboy na apektado ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.