Ito ay makaraang pormal nang ilabas ng inter agency task force ang guidelines para sa nasabing travel ban.
Sinabi ng BI na simula ngayong araw hindi na maaring pumasok sa bansa ang mga dayuhan na mula North Gyeongsang Province, Daegu City, at Cheongdo.
Nakipag-ugnayan din ang BI sa Korean Embassy para mag-isyu ng certification upang malaman kung ang isang dayuhan na galing South Korea ay walang history ng pagbiyahe sa mga lugar na sakop ng travel ban.
Bawal na rin munang magtungo sa nasabing mga lugar ang mga Pinoy na turista.
Ang tanging papayagang umalis ay ang mga OFWs, at mga student visa holders at permanent resident.