Full implementation ng travel ban sa ilang bahagi ng South Korea ipinatutupad na ng BI
Ipinatutupad na ng Bureau of Immigration (BI) ang travel ban sa North Gyeongsang Province, Daegu City, at Cheongdo sa South Korea.
Ito ay makaraang pormal nang ilabas ng inter agency task force ang guidelines para sa nasabing travel ban.
Sinabi ng BI na simula ngayong araw hindi na maaring pumasok sa bansa ang mga dayuhan na mula North Gyeongsang Province, Daegu City, at Cheongdo.
Nakipag-ugnayan din ang BI sa Korean Embassy para mag-isyu ng certification upang malaman kung ang isang dayuhan na galing South Korea ay walang history ng pagbiyahe sa mga lugar na sakop ng travel ban.
Bawal na rin munang magtungo sa nasabing mga lugar ang mga Pinoy na turista.
Ang tanging papayagang umalis ay ang mga OFWs, at mga student visa holders at permanent resident.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.