LPA sa bahagi ng Mindanao binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa
Isang panibagong Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao.
Huling namataan ang LPA sa layong 710 kilometro Silangan Timog Silangan ng Mindanao.
Wala pang direktang epekto saanmang panig bansa ang LPA pero ang buntot nito ay maari nang makapagpaulan sa ilang bahagi ng Mindanao.
Dahil sa trough ng LPA makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang Mindanao.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas pa rin ng bahagyang maulap na papawirin dahil sa Amihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.