Travel ban sa Japan, Italy at Iran pag-aaralan pa ng inter-agency task force
Pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibilidad na pagpapatupad ng travel ban sa Japan, Italy at Iran kasunod ng mabilis na pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa nasabing mga bansa.
Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles, nakatutok ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease sa sitwasyon sa tatlong mga bansa.
Sinabi ni Nograles na mabilis ang pagdami ng kaso ng COVID-19 lalo na sa Iran at Italy.
Mayroon nang 655 na kaso ng COVID-19 sa Italy at 17 ang nasawi.
Habang 245 ang kaso sa Iran at mayroong 26 na nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.