4 patay, 1 pa sugatan sa aksidente sa Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2020 - 02:10 PM

Nasawi ang apat na katao sa aksidente na naganap sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bayan ng Gumaca sa Quezon province.

Ayon kay Major Rodelio Calawit, hepe ng Gumaca, ang mga nasawi ay nakilalang sina Joseph Dumlao, 33 (driver); Rozalie, 35; Raquel, 42; at Rodolfo, 70, na pawang may apilyidong Soldevilla.

Sila ay residente ng Tabuk City sa Kalinga.

Malubha namang nasugatan si Roxanne Soldevilla, 25 anyos.

Sakay ng Mitsubishi Mirage ang mga biktima patungo ng Maynila nang makabanggaan ang kasalubong na cargo truck na minamaneho ni William Pelareja.

Nangyari ang aksidente sa Barangay Panikihan alas 4:30 ng madaling araw ng Biyernes (Feb. 28)

Hawak na ng mga otoridad ang driver ng truck at iniimbestigahan.

TAGS: accident, Gumaca, Inquirer News, Maharlika Highway\, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Quezon, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, accident, Gumaca, Inquirer News, Maharlika Highway\, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Quezon, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.