Tokyo Disneyland sarado hanggang March 15

Isasara sa loob ng susunod na dalawang linggo ang Tokyo Disneyland at Tokyo DisneySea.

Ang closure ay magsisimula ng bukas Feb. 29 at tatagal hanggang sa March 15.

Sa pahayag ng operator ng Disneyland na Oriental Land, inaasahan nilang makapagre-resume sila ng operasyon sa March 16.

Kada taon ay umaabot sa 30 milyon ang nagtutungo sa Tokyo Disneyland.

Noong Huwebes ng gabi, hinimok ni Prime Minister Shinzo Abe ang mga paaralan na huwag munang mag-klase sa loob ng isang buwan.

Read more...