Anti-terrorism bill haharangin ng Makabayan bloc sa Kamara

Nanindigan si Gabriela Rep. Arlene Brosas na haharangin nila sa Kamara ang bersyon ng Anti-Terrorism Bill na nauna nang nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado.

Ayon kay Brosas, hindi nila papayagan sa MAKABAYAN bloc na makalusot ang panukala na pinupuntirya hindi lamang ang mga terorista kundi ang mga simpleng pagkilos tulad na lamang ng EDSA People Power I.

Naniniwala si Brosas na hindi target ng Anti-Terrorism Bill na tugisin ang mga extremists kundi ang patahimikin ang mga ordinaryong mamamayan na nagpapahayag ng saloobin sa mga isyung panlipunan.

Siniguro ni Brosas na hindi nila hahayaang makalusot ang bersyon ng panukala sa Kamara na kasalukuyang nakabinbin ngayon sa House Committee on Public Order and Safety.

Mapanganib aniya ang pagpapalawak ng panukala na pumapalit sa Human Security Act dahil binibigyang kapangyarihan nito ang pulis at mga sundalo na dakpin ang mga lehitimong organisasyon at mga kritiko ng gobyerno kahit walang sapat na ebidensya.

Read more...